Parangal sa mga Kawani ng UPCFA
Pagpugay at malugod na pagbati sa mga kasamahan sa Kolehiyo ng Sining Biswal na umani ng parangal mula sa 2021 Parangal at Pagkilala para sa mga Kawani at Retirado ng Unibersidad ng Pilipinas! Lubos naming ikinararangal ang makasama kayo sa loob ng matagal na panahon at masaksihan ang inyong husay at dedikasyon sa serbisyo. Mula sa mga mag-aaral, kawani, guro, at namumuno sa Kolehiyo ng Sining Biswal, taus-pusong pasasalamat, aming mga gabay ar huwaran!
Ang 2021 Parangal at Pagkilala para sa mga Kawani at Retirado ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ay idinaos noong Hunyo 23, 2022 bilang pagpapahalaga at pasasalamat sa mga natatanging kawani, retirado, at mga tanggapan na lubusang nag-alay at patuloy na nag-aalay ng kanilang buong kakayahan sa pagtaguyod ng adhikain ng Unibersidad. Mapapanood ang birtwal na Parangal sa website ng UP Diliman (https://upd.edu.ph/linggo-ng-parangal-2022/) at YouTube channel nito (https://www.youtube.com/…/UniversityofthePhilippinesDil…).
Alquin F. Gayagoy, 40-taong serbisyo
Basilio B. Torres, retiradong kawani
Marissa R. Rullan, Gawad PUSO awardee
Parangal sa mga Retiradong Guro ng UPCFA
Dekano Leonilo O. Doloricon
Propesor Leo Antonio C. Abaya
You must be logged in to post a comment.